Dengue vaccine fiasco iimbestigahan

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang ‘dengue vaccine fiasco’ upang malaman kung nalagay sa panganib ang buhay ng mga libu-libong bata na binakunahan nito.
    Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo dapat malaman ng publiko kung ano ang posibleng mangyari sa mga bata matapos na makuwestyon ang dengue vaccine na ginamit ng nakaraang administrasyon.
    Sinuspendi ng Department of Health ang pagbibigay ng naturang bakuna sa mga bata matapos maglabas ng anunsyo ang manufacturer ng vaccine ng panganib na maaaring kaharapin ng mga nabakunahan.
    “The program appears to have been rushed — without a complete assessment of the vaccine’s risks and benefits,” ani Castelo. “Unless there was a compelling reason that outweighed the risks, a mass immunization program using a new vaccine should wait for complete results and analysis of long-term clinical data.”
    Gumastos ng P3.5 bilyon ang gobyerno sa naturang programa at nabakunahan ang halos 800,000 bata.
    “More than finding accountability, we want to establish measures to deal with the apparent risks,” dagdag pa ng solon.

Read more...