KRIS sa kampo ni JAMES YAP: 'Wag n'yo akong gawing kontrabida | Bandera

KRIS sa kampo ni JAMES YAP: ‘Wag n’yo akong gawing kontrabida

Ervin Santiago, Reggee Bonoan - June 18, 2013 - 04:58 PM

HUMIRIT  si presidential sister at queen of all media Kris Aquino sa kampo ng dating mister na si James Yap na huwag siyang gawing kontrabida sa harap ng publiko.

Ito ang naging reaksyon ni Kris sa patuloy na pasaring sa kanya ng kampo ni James na ipinagkakait nito sa huli ang kanilang anak na si Bimb.

“Huwag naman nila akong gawing kontrabida,” pahayag ni Kris sa harap ng media sa isang press conference sa Holiday Inn and Suites sa Makati..

“Never kong ipinagdamot si Bimby sa father niya.  Ayoko pong i-deprive ang anak ko sa tatay niya dahil alam ko yung feeling na walang ama,” dagdag pa ni Kris.

Umapela rin si Kris sa publiko na wag maniwala sa mga usap-usapan na ipinagdadamot niya ang kanyang anak.  S katunayan, dagdag pa nito, siya pa ang gumagawa ng paraan para magkita ang kanyang anak at ang basketbolista.

Kuwento ni Kris nitong nakaraang Father’s Day, kinontak niya ang mga abogado ni James para itanong kung ano ang plano nito sa anak upang sa ganon ay makapag-celebrate ang mag-ama ng nasabing okasyon.

Anya, tumawag siya alas-8 ng umaga. At alas-4 na ng hapon nang sumagot ang mga abogado ng basketbolista at sinabi na hindi nila makontak si James.

“Kinontak ko yung lawyers ni Mr. Yap, 4:45 p.m. nang sumagot sila at sinabi na hindi nila ito makontak.  Wala na akong magagawa non,” pahayag pa ng dating Mrs. Yap.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending