‘Haunted Forest’ kapalit ng ‘Shake, Rattle & Roll’ sa Pasko

JANE ONEIZA AT MARIS RACAL

KITANG-KITA na naman ang pagiging petmalu ng Regal Entertainment sa paggawa ng horror movie sa festival entry nitong “The Haunted Forrest.”

May bagong panakot na naman sa darating na Pasko sina Mother Lily at Roselle Monteverde. Every year talaga, inaabanggan na ng mga manonood ang horror entry ng Regal sa MMFF. Trailer pa lang ng “THF” ay puring-puri na ng manonood.

Mga baguhan ang cast ng movie, nandiyan sina Jaine Oneiza, Maris Racal, Jameson Blake at Don Jhon pero tulung-tulong ang grupo ng fans nila sa pagyanig sa social media upang ipamalita ang Christmas gift nila sa kanilang tagahanga.

Kung dyakpat ang Regal sa horror franchise nitong “Shake, Rattle & Roll”, siguradong bebenta rin nang todo ang “THF” sa mga Pinoy. Tila swerte rin sa Regal ang salitang “haunted”. Aba, ‘yung “Haunted Mansion” ni Janella Salvador na nakasali rin sa MMFF ay tiba-tiba rin sa takilya!

Kung very successful ang “Haunted Mansion,” hindi imposibleng maulit uli ang history nito sa takilya sa pananakot ng “Haunted Forrest!”

Read more...