AlDub tuloy ang trabaho sa gitna ng mga kontrobersya

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

SIGURADONG mahu-hook ang mga loyal Kapuso viewers sa kani-kanilang telebisyon ngayong Linggo dahil sa pagbisita ng Phenomenal Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa episode na “Chismosang Osang.”

Gagampanan ni Maine ang karakter ni Osang, tindera ng isda sa isang probinsya. Mahilig siya sa kuwentuhan pero ang masama, madalas ang buhay ng iba ang idinadaldal niya.

Ilan sa mga ipinagkalat niyang chismis ay ang kapitbahay daw niyang si Bernardo ay isang aswang; kuripot raw si Mrs. Soriano na nanalo raw ng lotto; at buntis ang kababatang si Andeng.

Pati ang pusang itim pinagkalat niyang malas daw na siyang dahilan ng mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang bayan.

Dahil dito, pagagalitan siya ng isang fairy at lalagyan siya ng invisible na zipper sa kanyang bibig. Paano kaya matatanggal ni Osang ang zipper na ito ngayong hindi siya makapagsalita para makahingi ng tulong?

Makakasama ni Maine sa episode na ito sina Yayo Aguila at Sheena Halili.
Tutukan kung ano ang mangyayari kay Osang ngayong Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA Sunday Grande.

***

Nakakaantig naman ang kwento sa Dear Uge ngayong Linggo ng hapon at mas dapat itong abangan dahil ang Pambansang Bae ang bibida sa episode na ito.

Gaganap si Alden Richards bilang si Brian, isang mayamang binata na pangarap maging filmmaker. Lumaki siyang malapit sa yaya niyang si Manang Lagring, na gagampanan naman ni Odette Khan.

Matutuwa ang mga fans ng Ika-6 Na Utos dahil magbabalik ang kinagiliwang role ni Odette bilang kasambahay. Panoorin kung paano susukatin ang pagmamahal ng isang kasambahay sa kanyang alaga ngayong Linggo sa Dear Uge after Sunday PinaSaya!

Kaya sa lahat ng miyembro ng AlDub Nation, habang wala pang show together ang dalawa suportahan n’yo muna sila sa kani-kanilang proyekto.

Read more...