Direk Cathy sa pagiging tatay ni John Lloyd: Matanda na naman siya kaya it’s about time!

CATHY GARCIA-MOLINA AT JOHN LLOYD CRUZ

MASAYA si Direk Cathy Garcia-Molina para kay John Lloyd Cruz. Kung totoo raw na magiging tatay na ito, wala siyang ibang wish kundi ang maging mabuti rin itong ama.

Ayon sa direktor na ilang beses nang nakatrabaho ni John Lloyd, karapatan din ng aktor na maging maligaya sa kanyang personal na buhay. Kaya kung totoo ngang magkakaanak na sila ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna, wala siyag nakikitang problema.

“Well, it’s about time! Ilang taon na si Lloydie eh, matanda na siya eh, eh ako nga 33 nanganak eh, yaan mo na siya. If he’s happy then I’m happy,” ani direk.

Ilan sa mga pelikulang ginawa nina Direk Cathy at John Lloyd ay ang “One More Chance”, “A Very Special Love” at “You Changed My Life.”

Read more...