Pia: Naging patas ako sa pagdya-judge kay Rachel!

IPINAGDIINAN ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na naging fair siya sa pagdya-judge kay Rachel Peters sa nakaraang Miss Universe 2017 na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA.

Maraming nam-bash kay Pia nang hindi na nakasama si Rachel sa Top 6. Sinisi nila si Pia dahil nilaglag daw niya ang ating kandidata. Tinawag siyang “inggitera” at “insecure” ng netizens.

Finally, sinagot nga ni Pia ang mga akusasyon laban sa kanya sa pamamagitan ng isang video message.

Aniya, “I was fair to everyone, not just to Miss Philippines, but also [to] the other candidates. And I think that’s why they chose me, because they knew that I was going to be fair and impartial when it comes to judging for choosing the next Miss Universe.”

READ NEXT
Pray and Work
Read more...