Robin na-bad trip nang malamang si Empoy ang type makatambal ni Mega

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

ISINIWALAT naman ng “Unexpectedly Yours” stars na sina Robin Padilla at Sharon Cuneta ang kanilang saloobin sa muling nilang pagtatambal sa big screen nang mag-guest sila sa Tonight With Boy Abunda.

Dito ikinuwento ni Robin kung paano napunta sa kanya ang role ng leading man ni Mega sa movie na originally offered to Sharon’s ex-hubby na si Gabby Concepcion.

One day ay tumawag daw sa kanya ang Managing Director ng Star Cinema na si Malou Santos. Urgent daw ang call at agad siyang pinapupunta sa Star Cinema office for a meeting.

“Sa totoo lang po, retired na po ako sa pag-aartista. Kaya kung mapapansin ninyo, paminsan-minsan na lang ako gumawa at ‘yung talagang gustung-gusto ko lang gawin gaya ng ‘Andres Bonifacio: Ang Unang Pangulo’ at ‘yung ‘10,000 Hours,’ at ‘Bad Boy 2.’ Di ba’t ang tagal na rin nu’ng last movie ko?” ani Binoe.

Pero natuwa raw siya nu’ng malaman niya na si Mega ang makakasama niya sa project. After a short while, bigla naman daw siyang nalungkot dahil nalaman niya na si Gabby pala ang original ni Sharon sa movie.

Bigla namang nagkwento si Mega na bago pa sabihan sa kanya na si Robin na ang makakasama niya sa project nu’ng biglang “iniwan” siya sa ere ni Gabby, nag-post siya sa kanyang social media account na gusto niyang maging leading man si Empoy Marquez.

That time, kapapalabas pa lang at naging big hit sa takilya ang movie nina Alessandra de Rossi at Empoy na “Kita Kita.” At hindi pa alam ni Mega na si Robin na ang makaka-partner niya sa movie.

Nagalit daw si Robin nu’ng malaman niya na si Empoy ang gusto ni Mega na leading man sa upcoming movie niya with Star Cinema.

Bumawi naman si Mega at nag-explain kay Robin habang natatawa na lang na nanonood sa kanila si Kuya Boy Abunda.

q q q

Happy to know na muling mapapanood sa Maalaala Mo Kaya si Empress. Maituturing na rin kasi na “MMK baby” si Empress. Bata pa lang ay lumalabas na siya sa Asia’s longest drama anthology hanggang sa maging isa siya sa binansagang drama princess sa Kapamilya network.

Nagbabalik si Empress bilang liberated and outgoing na si Liza Enriquez. Naging black sheep siya sa konserbatibo at relihiyosong pamilya kung saan ang kanyang ama ay isang pastor.

Sumama siyang magtanan sa kanyang boyfriend kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak pero nagpakasal kay Bruno na isang Italyano at HIV-AIDS patient. Nagkaroon pa siya ng dalawa pang relasyon na pareho ring nawala.

Through her father’s encouragement, she then exposes herself on national television as the second person living with HIV in the Philippines. Liza joins an HIV support group named Pinoy Plus.

Ang MMK episode na ito ay sa direksyon ni Nuel Naval.

Read more...