Christmas song ni Maymay hataw agad sa iTunes

SIGURADONG mas magiging masaya at meaningful ang Christmas para sa mga MayWard fans.

Ibinalita ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata sa kanyang mga fans at social media followers na meron na rin siyang Christmas song, ang “Merry Ang Pasko.”

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Maymay ang good news na ito. Aniya, “Isang munting regalo po para po sainyong lahat! Ang kantang mag bibigay saya at pagmamahal dahil alam kong lahat tayo naniniwala na mas Merry ang Pasko kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay.

“Maraming salamat po Sir @roxy.liquigan Sir @jonathanmanalo Sir Christian Martinez @starmusicph sa isang maagang pangregalo po para saming lahat. At sa lahat po na nag porsigeng maging top 1 po tayo sa iTunes at sa mga nakapag download na po sa spotify congrats po saatin at maraming maraming salamat po!”

Read more...