1-2 bagyo inaasahan ngayong buwan

Isa o dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa huling buwan ng 2017.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kung manggagaling sa ibabang bahagi ng bansa ay maaari itong mag-landfall at dumaan sa Mindanao at Visayas.
Kung sa gitnang bahagi naman ito papasok maaari itong lumiko papalabas ng bansa at hindi na dumaan sa kalupaan.
Wala namang nakikitang low pressure area o bagyo na maaaring pumasok ng PAR ang bagyo ngayong weekend.
Ang huling pumasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility ay si Tino.
Kung may papasok na bagyo ay papangalanan itong Urduja na susundan nina Vinta, Wilma, Yasmin at Zoraida.
Naka-reserve naman ang mga pangalang e Alamid, Bruno, Conching, Dolor, Ernie, Florante, Gerardo, Hernan, Isko at Jerome kung lalagpas ng 25 ang bagyo na papasok sa PAR ngayong taon bagamat malabo na itong mangyari.

Read more...