MAGANDANG araw po. Si Domingo Monte Jr. po ito ng Cebu City. Isa ako sa maraming tagasubaybay sa column mo sa Bandera. Nag email ako sa ‘yo baka matulungan mo ako sa matagal ko ng problema sa Pag-Ibig ko na mag-iisang taon nang hindi pa nabibigyang solusyon ng Pag-Ibig Cebu at Pasay main branch.
Last November of 2016 nag request ako for consolidation of my Pag-Ibig contribution in preparation for my plans na mag loan. So binigyan nila ako ng requirements na agad ko namang na comply. Nag follow up a couple of times, November and December of 2016, sabi nila wala pa raw kasi inaayos pa raw system ng Pag-Ibig. Early part of 2017 nag-follow up ako ulit pero sabi nila wala pa raw.
Last June of 2017 sa pag aakala ko na tapos na, nag-submit ako ng Loan Application ko. Nung nag-follow up ako late September sabi nila wala pa rin.
Last October nag follow up ule ako wala pa rin.
Isang taon na ito, bakit ganito kabagal? One year na hindi pa rin naasikaso ng Pag-Ibig ang simpleng consolidation na nire-request ko? Tapos kung magkaltas sila ng contribution ay agad-agad naman. Sana matulungan mo ako. Thanks, God bless and more power.
Reply: Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pagtangkilik sa aming pahayagan!
Kasalukuyan na po na na nakikipag ugnayan ang Aksyon Line sa Pag-Ibig fund para agad pong mabigyan ng katugunan ang inyong problema.
Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
q
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.