Kathryn adik sa beach: Gusto ko every year doon ako mag-birthday

KATHRYN BERNARDO

Sa beach pala gustong mag-celebrate ng kanyang birthday ang La Luna Sangre star na si Kathryn Bernardo.

A self-confessed beach lover, Kathryn, in a recent interview said, “Sana magtuluy-tuloy na every birthday ko, gusto ko talaga i-celebrate siya sa beach. Ang tagal ko na (naghintay). I’ve been wanting to go to El Nido.”

Tuwang-tuwa siya dahil, “for my 21st birthday, it happened, and I’m planning to go back there again next year maybe after La Luna Sangre kasi sobrang na-in love ako sa place.”

Sa Christmas break ay nabigyan si Kathryn ng 10 days para magbakasyon. She’ll spend it with her family and they’re going out of the country.

“Bawal daw sabihin (where) pero out of the country. (It will be with my) family kasi saan ba kami last year? Dito lang kami, e. So napayagan kami ng La Luna Sangre. Thank you God. May 10 days ako na break to spend time with my family kasi hindi na kami nagkikita-kita.

“Kasi every day may taping ako so babawi ako sa kanila sa Christmas break,” she said in the interview which came out sa isang portal.

Read more...