ANGEL: Lagi akong natatalo kay PHIL, mas sweet siya sa akin!

Pagdating daw sa pagbibigay ng regalo at sorpresa, lagi raw talo si Angel Locsin sa boyfriend niyang si Phil Younghusband.
Inamin ng Kapamilya actress na mas sweet at mas nag-e-effort talaga si Phil sa kanya kaya lagi raw siyang natatameme kapag natatanggap na niya ang mga bagay na ibinibigay sa kanya ng football player.

Recently ay nag-celebrate nga ng kanilang first anniversary sina Angel at Phil bilang magkarelasyon at sinorpresa nga niya si Phil nang magpunta siya sa Singapore para manood ng football game nito.

Sa isang interview nabanggit ni Phil na, “Nag-surprise siya sa akin sa Singapore nanood siya ng game ko sa Singapore then we just had a nice dinner. Pagdating sa bahay niya there was a video I prepared with a lot of our memories together.” At dito nga raw na-shock si Angel, feeling niya “naisahan” na naman siya ng boyfriend dahil mas affected nga siya sa sopresang ibinigay nito na hindi nabibili ng pera.

Nabanggit din ni Phil na kung magpo-propose siya kay Angel, ang una raw na makakaalam ay ang tatay nito, “Yeah, we’re very close. He gives me a lot of advice, about my professional career, my personal life, he makes me feel welcome into the family. To have someone like that I’m very lucky, and he’ll definitely the first person to know even before Angel, so I let daddy know how I feel about Angel.”

Last Sunday sa The Buzz ay nagulat na naman si Angel nang mapanood ang interview na iyon ni Phil, “Hindi niya sinasabi ever sa ‘kin kapag may interviews kaya nagugulat talaga ako. Saka ang hirap lagi siyang may pasabog, tapos laging lamang kesa sakin.

“Mas sweet kasi siya sa ‘kin eh so yung mga ganyang bagay ‘di niya masyado pinagiisipan. Ako lagi talagang effort pero lagi pa rin akong talo (sa sweetness). Lagi akong nagpapatulong ano ba pwede iregalo kasi lagi akong kulelat pag sa regaluhan,” pahayag pa ng aktres.

Read more...