4 Pinay mommy rarampa sa Mrs. Asia Int’l 2017 sa China

ANG MGA PINAY NANAY NA SASABAK SA MRS. ASIA INTERNATIONAL 2017

“MOTHERHOOD is not the end.”

Yan ang patutunayan ng apat na mother slash beauty queen na sasabak sa Mrs. Asia International na gaganapin sa Dis. 2 sa Shanghai, China.

Ang Mrs. Asia International ay isang platform para sa mga married and senior women to showcase their beauty, talent and success. They are also encourage to share opinions on marriage and current events.

Nandiyan siyempre ang may hawak ng titulong Mrs. Philippines Asia International Globe 2017 na si Melissa Esguerra, isang 37-year old freelance make-up artist and photography enthusiast. Nais ni Melissa na i-encourage ang mga babae na hindi lang pagpapamilya natitigil ang buhay.

Bearing the Mrs. Philippines Asia International Tourism 2017 title ay si Velinnette Torres Quiat na tubong Laguna. Isa siyang dating educator and chemist na ngayon ay happily married na with two kids.

May time pa rin siya para sa kanyang sarili dahil isa siyang certified health and fitness buff. Sa ngayon ay siya at ang kanyang asawa ay may passion na tulungan ang mga batang hindi makapag-aral sa pamamagitan ng scholarships.

Millennial at single mother naman si Timikko Santos na half-Japanese, half-Pinoy. Nagtatrabaho siya bilang isang quality assurance engineer habang inaalagan nag kanyang nagiisang anak na lalaki.

Aside from Mrs. Philippines Asia International All Nations title, siya rin ang winner ng Woman of Substance mula sa Mrs. Philippines Globe. Proud si Timikko na irepresent ang lahat ng single mothers sa bansa.

Classic, fit and fab at 57 naman si Norge Reichenback, ang Classic Mrs. Philippines Asia International title holder to represent the Philippines in the Classic category. Prepared na prepared na raw siya sa kanyang pagrampa gamit ang pinauso niyang “endurance walk” na may konek nga sa kanyang edad.
Present din sa ginanap na presscon kamakailan si Carla Krizzle Dimaano, ang Mrs. Philippines Globe 2017 na lilipad sa Shenzhen, China para sa Mrs. Globe 2017 sa Dis. 4.

Carla also serves as an inspiration to all dahil kahit na isa na siyang full time wife and mother, she managed to complete her Masters degree in Business Administration. She stands by the hashtag that best describe her mainly, #EmpoweredWoman. Ang Mrs. Philippines Globe ay nasa ilalim ng pageant director na si Morena Carla Cabrera-Quimpo.

Read more...