Sinabi ni House committee on transportation chairman Cesar Sarmiento na kailangan ang emergency power upang mapablis ang pag-apruba sa mga kailangang proyekto.
“The traffic czar is expected to come up with a traffic management plan within 90 days that will harmonize and unify all existing traffic regulations in the affected areas,” ani Sarmiento.
Tumagal ng mahigit isang taon bago naisalang sa plenaryo ang panukala. Posible naman na maaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn sa Disyembre 13.
Sa ilalim ng panukala bibigyan ang Pangulo ng kapangyarihan upang pumasok sa mga negotiated contract para agad na magawa ang mga kailangang proyekto batay sa rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan, Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya.
Pinagbabawalan din ng panukala ang mga korte maliban sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order laban sa mga proyekto na isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng mga proyekto.
Ang emegrency power at limitado sa Metro Manila, Metro Cebu, Davao City, at mga urban areas gaya ng Rizal, Cavite, at Bulacan.
MOST READ
LATEST STORIES