MASAMA ang dulot ng Ecstasy sa mga gumagamit nito dahil para silang mga nauulol kapag sila’y “high” sa pinagbabawal na gamot na ito.
Ang 11 lalaking nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagpa-party ng Ecstasy drug, isang gamot na pumupukaw ng kamunduhan ng gumagamit nito.
Hindi basat-basta ang nahuling mga tao; sila ay mga professionals gaya ng engineer at doctor.
Nang sila’y nahuli, lahat sila ay nakahubad. Lahat ay mga bading o gay sa Ingles.
***
Huwag na tayong magkunwari pa. Isang tanyag na actor na namatay sa isang resort sa Palawan ay dahil sa overdose ng Ecstasy.
May mga guests akong na-interview na noong gabing pumanaw ito ay kakaiba ang kanyang kilos.
Ikinikiskis niya diumano ang kanyang harapan sa dinding. Ito ay dahil binalot na siya ng kamunduhan at wala siyang makuhang partner ng gabing iyon.
Hindi ibinunyag ang dahilan ng kamatayan ng actor. Gumawa ng paraan ang kanyang pamilya na huwag mabunyag ang kanyang paggamit ng Ecstasy.
Idolo ng mga kabataan ang nasabing aktor.
***
In despair ang actor dahil ang kanyang kapareha o ka-love team ay sumama sa ibang aktor.
Dahil sa sama ng loob, nagbakasyon siya sa Palawan. Ang actress ang sinasabing nagturo sa aktor na gumamit ng droga.
Bago pa man sila naging magkasintahan, naimpluwensiyahan na rin diumano ng babae ang isa pang aktor na ngayon ay talamak sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut.
***
Parang hindi nabibigyan ng magandang legal advice ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo si Pangulong Digong.
Halimbawa, ang tungkol sa balak ni Digong na ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa droga.
Ibinigay kasi ni Digong ang pamamahala sa pagsugpo sa pagkalat ng droga sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA matapos ang maraming kapalpakang ginawa ng mga pulis.
Pero dahil sa kakaunti lang ang mga kawani ng PDEA, hindi raw nito magampanan ang malaking trabaho.
Ang hindi alam ni Pangulong Digong, may kapangyarihan ang PDEA sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Law na mag-deputize ng anumang agency ng gobyerno upang tulungan ito na maisagawa ang kampanya laban sa droga.
Sa ilalim ng batas, ang PDEA ang lead agency sa pagsugpo ng pagkalat ng droga.
Tila hindi nagbabasa itong si Panelo ng law books upang mabigyan niya ng mabuting payo ang Pangulo tungkol sa batas.
Kaya nga ginawa siyang Presidential Legal Adviser.
Dapat siguro ay alug-alugin ni Panelo ang kanyang ulo upang matandaan niya ang batas at iwasan muna niyang dumalo ng mga parties dahil nagiging bobo siya.
Sa isang party na dinaluhan ni Panelo, napagkamalan siyang clothes designer dahil sa kanyang suot na kakaiba.
Maraming beses nang nakita si Panelo na nakasuot ng maong na maraming butas sa may tuhod.
Bukod sa hindi bagay sa kanya ang ganoong kasuotan dahil matanda na siya, he should dress according to his lofty position.