Buwelta ni Luis sa basher ni Jessy: Mahiya ka naman sa mga anak mo, plastik ng status mo!


TINALAKAN na naman ni Luis Manzano ang basher niyang may user name na @senyoritalynlyn (March Lyn Elan) sa Twitter.

Sa huling tweet ng netizen, nakasaad ang, “Sino ba masama ang ugali si Jessy Mendiola o si Luis Manzano? Siguro si Jessy gumagamit ng account ni Luis at ang sipag, pinapatulan lahat ng negative sa IG ni Luis! HAHAHAHA.”

Bilang tugon, may inilabas na picture si Luis sa kanyang Twitter at nakalagay doon ang reply niyang, “Hi Basher March Lyn Elan.”

Kasunod nito ang banat ng boyfriend ni Jessy na, “Mahiya ka sa status mo tungkol sa haters, nahuli kitang basher sa IG, post ko na pics mo ha? Game? Kakahiya sa mga anak mo na nanay ka na basher ka. Plastic ng status mo ha.”

Naku, pagdating sa paninira kay Jessy, hindi kayo sasantuhin ni Luis, huh!

Read more...