SA mga artista pa lang na kasali sa kontrobersyal na crime thriller movie “Smaller And Smaller Circles” ng TBA Studios ay sulit na sulit na ang ibabayad ng mga manonood sa sinehan.
Bukod pa ‘yan sa Grade A na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa movie na ibig sabihin ay ganu’n talaga kaganda ang pelikula.
Kasama sa cast sina Nonie Buencamino, Carla Humphries, Christopher de Leon, Gladys Reyes, Bembol Rocco, Ricky Davao, TJ Trinidad, Junjun Quintana, Alex Medina, Sid Lucero at marami pang iba, sa direksyon ni Raya Martin.
Ang “Smaller And Smaller Circles” ay tungkol sa dalawang pari na nag-iimbestiga sa pagpatay sa dalawang batang lalaki na itinapon sa Payatas. Nakakuha ito ng PG-13 sa MTRCB dahil sa ilang maseselang eksena. Showing na ang “Smaller And Smaller Circles” sa Dec. 6.