Juday, Ryan ninang at ninong sa kasal ni Iza

KASAMA ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa listahan ng mga magiging ninang at ninong sa kasal ni Iza Calzado sa kanyang fiancé na si Ben Wintle.

Personal na sinabihan ng future husband and wife sina Juday at Ryan para maging godparents sa nalalapit nilang wedding.

Kamakailan ay nakisaya sina Iza at Ben sa “belated Thanksgiving and pre-Christmas” party sa bahay nina Juday at Ryan.

Samantala, kung makikita n’yo sa picture ng mag-asawang Agoncillo sa kanilang pa-party, hanggang ngayon ay may saklay pa rin si Ryan. Nagpapagaling pa rin ang TV host-actor matapos maaksidente at maoperahan sa tuhod ilang araw na ang nakararaan.

Ito rin ang dahilan kung bakit ilang araw nang absent si Ryan sa noontime show na Eat Bulaga. Ayon kay Ryan, miss na miss na niya ang Dabarkads and hopefully ay makakabalik na siya this coming week.

Read more...