Sumitomo babalik bilang MRT 3 maintenance provider

MRT

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na muli nitong kukunin ang serbisyo ng Sumitomo Corporation para sa maintenance ng Metro Rail Transit line 3 (MRT).
Nauna nang nagdesisyon ang DOTr para i-terminate ang serbisyo ng Busan Universal Rail Inc. matapos ang walang tigil na aberya sa mga tren ng MRT.
Inaasang mapipirmahan ang panibagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan para sa Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries bago matapos ang taon.

“Pursuant to the Philippines-Japan infrastructure development cooperation framework, discussions with the Government of Japan (GOJ) have progressed and an agreement is already scheduled to be signed before year-end,” sabi  DOTr sa pahayag.

Ang Sumitomo-Mitsubishi ang nagtayo at nagdesenyo ng system ng MRT 3 mula 1998 hanggang 2000 at naging maintenance contractor mula 2000 hanggang 2012.

Read more...