Pia kay Rachel: Proud ang buong Pilipinas sa ‘yo!

SA gitna ng pamba-bash sa kanya dahil sa pagkatalo ni Rachel Peters sa Miss Universe 2017, nagbigay pa rin ng mensahe si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa ating kandidata.

Isa si Pia sa mga nagsilbing judge sa grand coronation night ng Miss Universe 2017, at nag-asalamat siya kay Rachel dahil sa ginawa niyang pagbandera ng Pilipinas sa Las Vegas.

“Sitting on the other side, it was so nice to witness a Miss Philippines perform and have the loudest cheer in the crowd. Keep your head up. We’re all so proud of you,” ang mensaheng ipinost ni Pia sa kanyang Instagram account.

Binati rin ni Pia si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters na siyang kinoronahang Miss Universe 2017 at nagsabing “well-deserved win” ang dalaga.

Read more...