Female celebrity na-master na ang kakuriputan


NAPAKADALI lang hulaan ang pangunahing tauhan sa nakakaaliw na kuwentong ito, mind-boggling nga lang tukuyin ang nasa minor cast.

Isa sa mga ninang sa isang nalalapit na showbiz wedding ang bida rito. Bigatin ang kanyang mga kapwa principal sponsors, maging ang mga kabilang sa entourage.

Hindi nga lang namin tiyak kung sisipot siya sa okasyong ‘yon.

“Nakooo!” umaalingawngaw agad ang kanyang pambungad na sagot, “Kaya naman ako pupunta du’n, eh, para harbatan ‘yung isang ninang din, ‘no!”

Ang tinutukoy ng aming kausap ay hindi man taga-showbiz pero matunog ang kanyang pangalan sa lokal na aliwan (pahiram, Tita Cristy).

Nasa ibang larangan man ang pinatutungkulan ng aming lead character, but she boasts of high-profile showbiz connections.

So, abut-abot kung ganu’n ang suwerteng darating sa aming bida, bawing-bawi na ang kanyang ireregalo sa ikakasal ay tumubo pa siya dahil tiyak na nag-aabang ang iba niyang mahaharbat sa ilang attendees du’n?

“Sino, ‘yung mag-asawa?” gets niya agad ang tinutukoy naming couple, “Ay, wa! Regalo lang ‘yon, wa datung!”

Eh, ‘yung isang ninang din sa kasal? Biglang gumaralgal ang boses nito, na-predict na niya kasi ang kaganapan, hindi pa man nagsisimula ang seremonya, “’Day, asa ka pa? Na-master na niya ang pagiging kuring anuman ang okasyon!”

Kuripot o sadyang marunong lang humawak ng pera ang tinutukoy niya?

Read more...