P112M jackpot ng Ultra Lotto

    Inaasahang aabot sa P112 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 bukas.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P108.3 milyong jackpot prize sa bola noong Martes ng gabi.
    Lumabas sa naturang bola ang winning number combination na 12-42-09-52-55-06.
    Nanalo naman ng tig-P222,580 ang apat na mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
    Tig-P1,750 naman ang 407 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 11,070 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...