ISANG retiradong police colonel ang sinasabing nag-aahente para sa Busan Universal Railway Inc.
Hanggang sa huling sandali bago na-terminate ang kanilang kontrata sa Department
of Transportation ay naging abala ang mamang ito sa pagkontrol sa sitwasyon sa loob ng MRT.
Malaki kasi ang mawawala sa kanya kapag nawala ang MRT-BURI contract na siya na ngang nangyari.
Si retired police colonel ang sinasabing front man ng ilang mga dating opisyal ng Transportation department sa kanilang mahiwagang transaksyon sa pamahalaan.
Pero hindi doon natatapos ang kwento dahil meron din umanong mag-amang abogado ang tumitiyempo para makabalik sa sirkulasyon ang BURI.
Sinabi ng ating Cricket na kailangan lang ng mag-amang ito ang timing para maitulak ang kanilang misyon.
Very powerful ang dad-son tandem dahil sa kanilang impluwensiya sa kasalukuyang pamahalaan.
Marami rin ang nag-iingat sa kanila dahil kapatid ni “Father” ang isang powerful na lady government official at biyenan naman ni “Son” ang mas powerful na isang elected official.
Ewan ko lang kung kailan matatapos ang problema sa MRT 3 dahil ngayon pa lang ay parami na ng
parami ang mga pangalang sumasabit sa isyu ng mahiwagang kontrata ng BURI sa gobyerno.
Malaki ang hinala ng ating Cricket sa DOTr na ito ang dahilan kaya iniwan ni Usec. Cesar Chavez ang kanyang pwesto dahil alam niyang marami ang nakikisawsaw rito.
Sa mga susunod na paglakataon ay mas marami pang personalidad ang itatampok natin sa isyung ito.
Ang retired police colonel na sinasabing ahente ng BURI dati na ring nalink sa isang lady official na ngayon ay nakakulong na ay si Mr. M…as in Manual.
Ang mag-amang abogado naman na isinasabit rin sa BURI controversy ay sina Atty. L…as in Lukewarm at Atty. M…as in Money.