Sharon kina Joshua at Julia: Tunay na mga tao, walang kaplastikan!

PURING-PURI nina Sharon Cuneta at Robin Padilla sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naniniwala ang Megastar a malayung-malayo pa ang mararating ng magka-loveteam sa mundo ng showbiz. Kamasa nila ang dalawang bagets sa reunion movie nila ni Binoe na “Unexpectedly Yours” na showing na sa Nov. 29.

Ayon naman kay Robin, “Professional itong mga batang ito. Nakakatuwa sila, kasi napakabata nila, pero napaka-humble. Importante kasi yung pagbibigay ng galang sa mga nakatatanda sa kanila.

“Nakita ko na hindi lang naman sa amin, pati sa crew magalang sila. Yun, gift na yun. Hindi kami pinaghihintay. Mahirap kasi yung pinaghihintay mo yung matanda, e,” sabi pa ng aktor.

Hirit naman ni Sharon, “Yung masyadong feeling sikat. Nadi-disappoint ako sa ibang mga batang ganu’n. Walang-wala sa kanila yun. For me, you see them talagang their feet on the ground.

“Professional, masarap kasama, tunay na mga tao, walang kaplastikan, hindi showbiz. Showbiz ay trabaho lang namin, pero hindi pagkatao. I love that I’ve seen that in them, kasi konti na lang yung ganu’n,” chika pa ni Mega.

Pahayag pa ng aktres, “Sorry, hindi ko kilala yung iba, hindi ko pa nakatrabaho yung iba. Pero parang sa kanila, parang nagka-hope ako na may future. Parang kapag umalis, hindi naman sa inaangkin ko, pero mahal ko ang industriya.

“Dito na ako lumaki, dito na ako nagkaanak, lahat. So, it’s important to me namay napag-iiwanan, deserving ang position na ibibigay sa kanila dahil mahal sila ng mga tao,” sey ng Megastar.

“I love working with them, parehong magaling. I think Julia, as expected, would be a wonderful leading lady to many, many other leading men,” ang hirit pa ng Kapamilya TV host-actress.

Pero biglang humirit si Joshua at nag-dialogue ng, “Sa akin lang.” Kaya naman ang sagot ni Sharon, “Ayun pala, exclusively to Joshua.”

Dagdag pa ng aktres, “Sabi ko nga, dream daughter si Julia. God, I’d love to have her as my daughter. Marj (Marjorie Barretto) is so blessed, nasa dugo, e, mas magaling pa nga, e.”

Kahit si Mega ay naniniwala na sinusunadan ni Joshua ang yapak ni John Lloyd Cruz pagdating sa pagiging magaling na aktor, “I’m so sorry, I know we all hate when we say that someone is gonna be the next me or the next Robin. But, parang may pattern lang siguro, pero hindi eksaktong ganun, na ang susunod kay Lloydie ay si Joshua.

“Doon ko nakikita sa kanya, kasi I’m a John Lloyd fan,” aniya pa.

Read more...