Bad-trip ang mga bakla sa parlor dahil sa pagkatalo ni Rachel sa Miss Universe 2017


MAINIT ang ulo ng mga bakla sa parlor kahapon! Bigong makapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2017 ang bet nating si Rachel Peters sa coronation night kahapon. Luhaan din siyempre ang mga kababayan nating dumayo pa sa Las Vegas, Nevada.

Hanggang sa Top 10 lang pumasok si Rachel. Pero puwede na rin dahil ang panlaban natin sa Miss International at Miss World ay hindi man lang nag-landing sa Top 15, huh!

Eh, kung hindi kami nagkakamali, never pa yata sa history ng Miss Universe na nagkaroon ng halos magkasunod ang isang bansa na nanalo, huh! Nagawa man ‘yon nina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973), magkakaiba naman ng destiny ang mga tao.

Sa Final 5, tanging ang Miss Thailand lang ang Asian country na pumasok. Pero lagi na lang pasok ang Miss Columbia, huh!

Move on na, Philippines! Better luck next year! Peters din naman ang surname ni Miss South Africa, di ba?

And the 2017 Miss Universe is…Miss South Africa! First runner up na naman si Miss Columbia habang second runner up si Miss Jamaica.

Read more...