Beking komedyante laging tulala, nawalan ng trabaho at raket dahil sa ‘kabastusan’


PALAGING tulala kuno ngayon ang isang becking personalidad na biglang nawalan ng trabaho dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa isang mahalay na sitwasyon.

Panay ang kanyang depensa na walang katotohan ang balitang lumabas, pero huli na ang lahat, tinanggal na siya sa isang show na pinagkukunan niya ng kabuhayan showcase.

Kuwento ng isang source, “Sayang na sayang, ang ganda-ganda pa naman ng exposure niya sa show na ‘yun, meron pa siyang ibang raket sa network, pero nawalang lahat ‘yun dahil sa kinasangkutan niyang istorya.

“Maganda na sana ang takbo ng kanyang career, pero sumablay pa, dahil sa kuwentong involved siya.

Wala na siyang trabaho, may kaso pa siyang kailangang harapin ngayon,” sabi ng aming impormante.

Marunong makisama ang becki, marami siyang kaibigan, matanaw rin siya ng utang na loob sa mga nakatulong nang malaki sa kanya.

“‘Yun nga lang, hindi kasi nag-iingat ang baklang ‘yun, akala niya siguro, e, nasa stage pa rin siya ng comedy bar kapag nasa labas siya, kaya ayan, nasangkot siya sa gulo!

“Gumanda na sana ang buhay niya, nasusunod na niya ang mga granatsa niya sa buhay, pero nangyari pa ang ganyan. Puro kasi siya biro, akala niya siguro, e, madadaan niya sa biruan ang lahat ng bagay sa lahat ng pagkakataon.

“Sising-alipin siya ngayon, madalas siyang tulala, hindi niya alam kung paano niya malalampasan ang nangyari sa kanya. Buti nga at may mga tao pang handang tumulong sa kanya ngayon.

“Kahit paano, e, nagkakaraket siya dahil sa pagsisingit ng mga kaibigan niya sa kanya sa mga provincial shows at pagsalang sa mga comedy bar. Kung wala ang mga kaibigan niya, e, siguradong ngangang-nganga na siya ngayon at baka nga ma-heart attack pa siya!

“Palpak kasi kung minsan ang atake ng becking ‘yun, biro siya nang biro sa kahit kanino nang wala sa lugar,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong sapul n’yo na kung sino ang becking itey na bumibida sa ating kuwento.

Read more...