Rachel Peters bigong makapasok sa Top 5; South Africa bagong Miss Universe

TINANGHAL bilang bagong Miss Universe ang kandidata mula sa South Africa habang kinapos naman ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na makapasok sa top 5.
Tinalo ni Miss South Africa na si Demi-Leigh Nel-Peters ang dalawang kasama niya sa top 3 na sina Miss Colombia at Miss Jamaica.  First runner-up naman si Colombia at second runner up si Jamaica.  Ginanap ang patimpalak Linggo nga gabi sa sa The Axis, Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada, USA.
Samantala, hindi pinalad si Miss Philippines Rachel Peters na makapasok sa top 5.
Nakasama ni Rachel sa top 10 ang mga kandidata mula sa Venezuela, USA, Canada, South Africa, Spain, Brazil, Colombia, Thailand at Jamaica.
Habang ang final 5 naman ay sina South Africa, Venezuela, Thailand, Jamaica at Colombia.
Inilipat ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France ang korona sa bagong beauty queen.  Ito na ang 66th edition ng Miss U.

Read more...