Sulat mula kay Rebecca ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte
Problema:
1. Dati malakas ang tindahan namin, pero dahil sa maraming na-ngungutang na hindi nagsipagbayad, unti-un-ting naubos ang puhunan namin at sa ngayon wala na halos laman ang tindahan. Para magkalaman, nangungutang na lang kami sa “five-six” kaya lang dahil malaki ang tubo, wala din sa aming natitira.
2. Gusto ko sanang mapaunlad uli ang aming tindahan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May pag-asa pa ba itong lumakas uli o mas mabu-ting isara ko na lang ng tuluyan at mamasukan na lang uli ako bilang tindera sa palengke? January 14, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Rebecca ng Lanao Del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing suwerte ka sa pagnenegosyo kaysa sa pamamasukan kaya tama lang na ituloy at muli mong pasiglahin ang inyong tindahan. Maghanap ka ng tindera o kasama na may zodiac sign na Taurus, na medyo mataba o chubby ang pangangatawan siya ang magiging suwerte sa in-yong tindahan.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing basta’t sinupin mo lang ng si-nupin ang nasabing tindahan, sapagkat darating ang panahong may magpapautang sa iyo na isa ring kaibigang isinilang sa petsang 5 o kaya’y 23 ng dagdag puhunan na hindi papatubuan. Sa sandaling pinahiram ka ng puhunan, gamitin mo ito sa produktong butil o bigas. Sa ganyang paninda uunlad at aasenso ng muli ang inyong tindahan.
Luscher Color Test:
Pinturahan mo ng kulay pula at rosas ang tindahan at makikita mo, muling uunlad at lalago ang inyong paninda at darami ang mga costumer.
Physiognomy:
Ang buhay na nunal sa kanan mong pisngi ang gumagarantiya na muli mong mapalalago ang inyong tindahan at magsisimulang mangyari ito sa susunod na taong 2018.
Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong kapalaran Rebecca hindi dapat isara ang tindahan, sa halip ang dapat ay magdagdag pa ng produkto at puhunan. Sa sandaling nagdagdag kayo ng puhunan at kalakal na may kaugnayan sa bigas at iba pang produktong butil, at hindi na uli mangungutang pa sa “five-six” kusa ng lalago ang inyong tindahan, magsisibalikan ang mga dating suki, darami ang inyong kinikita hanggang tuloy-tuloy na ka-yong yumaman.
Yayaman sa Pagtitinda (2)
READ NEXT
Gera vs CPP-NPA tuloy na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...