Ex-mayor ng Leyte nasintensiyahan ng 2 hanggang 6 taon dahil sa malversation

SININTENSIYAHAN ng Sandiganbayan si dating Inopacan, Leyte mayor Alfredo Lloren ng dalawa taon hanggang anim na taong pagkakabilanggo matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation matapos ang P380,000 halaga ng backhoe na hindi naideliber noong 2003.

Sa 51-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special Third Division, bukod kay Lloren, nasintensiyahan din si municipal accountant Sergio Morata at treasurer Eriberta Palo.

Bukod sa pagkakakulong, ipinag-utos din ng anti-graft court ang habambuhay na pagbabawal na makapasok ang tatlo sa pampublikong opisina.
Inatasan din ang tatlo na ibalik ang P380,000 sa municipal government na may interes na anim na porsiyento kada araw.
Pinatawan din ang tatlo ng ng karagdagang P380,000 multa.

Read more...