Babala kay Xander Ford: Matakot ka sa karma!

YES, my dear baby Michael Pangilinan just turned 22 yesterday. Kay bilis ng panahon – six years ago ko siya nadiskubre through a common friend and how time really flies.

From that lanky 16-year old boy, here he is right now – a muscled dad of a cute son by an ex-girlfriend. A little name for himself in the music industry and still kicking.

Alam n’yo naman sa mundong ito, nothing is truly permanent. Some people say na ang pinakapermanente lang sa mundo namin sa showbiz ay interest. Maybe true to many pero there are a few exceptions too. Don’t know kung saan kami, maybe nandoon na lang sa exception though it is a fact na medyo slighted ako when he asked my permission to leave my management.

He may have his reasons and you know me naman, hindi ako kailanman naghabol sa kahit sinong ayaw na sa akin. Kahit sa lovelife ko, I never cried over a spilled milk. Pag ayaw, huwag, di ba? Puwede naman talaga iyon that’s why I don’t sign contracts with my artists para pag dumating ang time na ayaw na ng isa sa amin na ipagpatuloy ang trabaho together, magpaalam lang nang disente at puwede ta-yong maghiwalay.

Yung sa amin ni Michael ay napag-usapan namin, may konting arguments though. Hindi naman ganoon kadali kasi nga, six years is six years, di rin naman biro ang in-invest naming oras, pera and emosyon para marating niya ang maliit na kinalulugaran niya ngayon. Nu’ng una ay napagkasunduan naming hanggang Dec. 31, 2017 na lang kami pero by some twist of fate ay nabago ito, mas napaaga dahil gusto na raw niyang magsarili.

Pumayag ako pero kailangang daluhan niya ang mga natanguan naming commitments until the end of the year. He agreed and everything is running smoothly naman. Our friendship still continued. I still consi-der him my baby, kung hanggang kailan ay hindi ko batid. Basta mahal ko ang batang iyan. Kahit wala na siya sa akin, I still wish him the best of luck.

Kahapon ay meron sana siyang birthday concert sa Music Museum produced by Ms. Jo Arboleda kung saan ay magiging special guests sana niya sina Kiel Alo and Jona pero pina-reschedule ng producer for some reasons.

First time nangyari ito sa buong career ni Michael pero wala naman kaming magagawa dahil hindi naman kami ang producer. Michael took it decently kahit first time na wala siyang show sa kanyang birthday. Sayang nga eh kaya lang ganoon talaga. We will just make announcements kung kailan ito itutuloy ng producer.

Michael turns 22 years old na nga, hindi na siya yung baby boy ko six years back. But he is still the sweet anak to me na sana ay hindi magbago pagkatapos ng taong ito. I will always treasure our friendship. God bless him.

q q q

Kasabay ng balitang ito ay ang nakakatawang mga eksena sa buhay ni Xander Ford na ipinanawagan ng kanyang management sa Facebook. Hindi raw nila matunton ang kinaroroonan nito kaya hindi nasipot ang ilang commitments na natanguan nila including that event in Angono, Rizal.

Nanawagan pa ang manager ni Xander na kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan ang bagets ay ipagbigay alam sa kanila. Hindi raw nila ito makontak and they fear for him.

And then kumalat nga ang video ni Xander na nagsabing nagpapahinga lang siya dala ng sobrang pagod. Hindi naman daw siya robot kaya nakikiusap na huwag muna siyang magtatrabaho ng ilang buwan. And he also mentioned na alam daw ng mga kapatid niya kung nasaan siya.

Kaya doon nabuo ang aming hinala na gumigimik lang ang kanyang ma-nager na kesyo nawawala siya para makapag-ingay na naman. Akala namin ay missing eh, bakit sinabi ni Xander na alam naman ng mga ka-patid niya na nagpapahinga lang siya. Ano iyon?

Bakit masyadong napagod si Xander? Marami ba talaga siyang bookings? Parang wala naman masyado. Ito ba’y panibagong strategy para mapag-usapan na naman siya? Hindi maganda ito para sa career niya.

Panloloko na ito kung totoong gumigimik lang sila. Sabi’y nawawala at di alam ng pamilya but here comes Xander who says na alam ng mga kapatid niya kung nasaan siya. Stupid gimmick indeed!

Hay naku, Xander. Matakot kayo sa karma. Baka bukas-makalawa ay baka mawala ka na nang tuluyan sa showbiz. Baka matulad ka sa kasabihang, “the boy who cried wolf”. Ano, teh?!

Read more...