Robin: Pag wala kaming halikan ni Ma’am Sharon sa pelikula pangit yun! Pambihira!

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

SIXTEEN years na hindi nagkasama sina Robin Padilla at Sharon Cuneta kaya naman excited ang lahat sa reunion movie nilang “Unexpectedly Yours” kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

When asked kung ano ang nabago sa kanilang samahan ni Sharon, Robin said, “Sa akin po walang pagbabago, siyempre, ‘yun pong ako’y tagahanga niya, idol ko siya. Alam ninyo po naman, fan naman ako talaga. ‘Pag nag-eeksena kami, lagi akong natutulala.”

Of course, he was asked if there’s a kissing scene between him and Sharon. Hindi naman binigo ni Robin ang fans by sa-ying, “Iyong kagabi (shooting) i-yong kinunan na halik. Sabi ko, ‘hahalikan ko na naman si Sharon Cuneta?’ Hindi na ho ako nakaalis doon sa fan mentality.”

So, nag-spoiler si Robin? “Kayo naman, ang tanda na namin! Itong dalawa (referring to Julia and Joshua) ang dapat tanungin niyo kung may kissing scene. Kami, ‘pag nawalan kami ng kissing scene sa pelikula, pa-ngit yun! Pambihira! Ang tanda na namin,” said Robin.

q q q

Mahilig pala sa pets ang La Luna Sangre star na si Kathryn Bernardo.
Her recent Instagram photos showed her two alagang aso. Ang cute ng mga pets niya.

Sa isang Instagram post ng kanyang white dog na naka-pose sa bintana ng kanyang car ay ito ang kanyang caption: “Planning to make an IG account for my fur babies. Yes? Or should i just post everything here? Tweet me your answers.”

“Hey Instagram world! Meet our newest baby, PABLO!! Thanks for helping me find this little one,” caption niya sa isa pang IG photo ng kanyang pet dog.

Sa La Luna Sangre ay nagpapakita na ng power si Malia (Kathryn). Kahit na napuruhan nang sumabog ang katawan ng isang suicide bomber ay agad na gumaling ang sugat niya.

Read more...