Bakbakang Joshua-Jerome bentang-benta sa The Good Son

JEROME PONCE AT JOSHUA GARCIA

SPEAKING of Joshua Garcia, patuloy na pinabibilib ng binata ang madlang pipol sa performance niya sa Primetime Bida series na The Good Son. Puring-puri ng netizens ang binata sa mga intense na eksena niya.

Nadadala nga raw ang viewers sa akting ni Joshua bilang si Joseph sa TGS lalo na kapag magkaeksena na sila ni Jerome Ponce as Enzo na napakagaling pala na kontrabida. Kaya naman patuloy na humahataw sa ratings game ang seryeng ito ng Dreamscape Entertainment.

Sa mga susunod na episode ng The Good Son, tutukan kung sino ang susu-nod na madidiin sa kaso ng pagpatay kay Victor (Albert Martinez). Mapatunayan kaya na mismong ang asawa nitong si Olivia (Eula Valdez) ang lumason sa kanya kasabwat ang hinihinalang kalaguyo nitong si Dado (Jeric Raval), ang kanilang family driver?

Patuloy na subaybayan ang crime drama series na pinag-uusapan ng buong bayan, The Good Son after La Luna Sangre sa Primetime Bida. Kasama pa rin dito sina John Estrada, Mylene Dizon, Mccoy de Leon, Elisse Joson, Nash Aguas, Loisa Andalio at marami pang iba.

Read more...