Jessy-Luis, Inigo-Maris, Robin-Sharon sasabak sa ‘2 Be Honest’ ng TWBA

BOY ABUNDA

DOBLE ang mga rebelasyon at pasabog sa nag-iisang showbiz talk show sa Philippine primetime TV dahil dalawa ang sabay na sasalang sa hot seat simula ngayong gabi Lunes sa weeklong special ng Tonight with Boy Abunda titled “2 Be Honest: The TWBA 2nd Anniversary Special.”

Abangan ang unang pagsasama ng real life couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano at pagharap sa maiinit na tanong tungkol sa kanilang relasyon mula mismo sa King of Talk na si Boy Abunda.

Hindi rin papahuli ang nali-link sa isa’t isa na sina Maris Racal at Inigo Pascual na sasabak din sa matinding tanungan. May aaminin na kaya sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Magsasama rin sa unang pagkakataon ang real life BFFs na sina Erich Gonzales at Julia Barretto at ibabahagi kung paano sila naging malapit na magkaibigan habang isisiwalat naman ng “Unexpectedly Yours” stars na sina Robin Padilla at Sharon Cuneta ang kanilang saloobin sa mulin nilang pagtatambal sa big screen.

Bukod sa “Fast Talk” at “Golden Mirror” segments, haharapin din ng celebrity guests sa unang pagkakataon ang “2 Be Honest” questions na hindi nila maaaring tanggihang sagutin.

Huwag palalampasin ang “2 Be Honest: The TWBA 2nd Anniversary Special,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Hwarang sa ABS-CBN.

Read more...