Rachel Peters biktima ng politika, tinraydor daw


NAKAKALOKA pala ang tunggalian ng mga kampo ng ating mga beauty queens competing abroad.

Although walang gustong magkumpirma o mag-deny, nangyayari umano ang pananabotahe ng mga unfavorable threads sa social media hinggil sa mga nananalo at natatalong representatives natin.

“Dito kasi sa atin, merong dalawang major beauty camps na parang may silent war sa dami ng international pageants o winners na separately ay trained o under their stable. Kaya yung mga kunwaring siraang kuwento sa social media, saan pa ba manggagaling iyan kundi sa kanila rin,” sey ng isang beauty enthusiast/supporter.

Kalat na kalat na kasi na diumano’y ang kalabang kampo ni Rachel Peters ang posibeng nag-leak sa social media ng isusuot sana nitong evening gown sa grand coronation night.

Kaya naman daw yung mga naging bashing and praises sa mga candidates nating nanalo at natalo sa international pageants na sinalihan nila, siyempre, may blessing daw ‘yun ng respective camps nila.

At kahit daw sa pagkuha ng mga beauties from abroad na dito nagte-training sa atin, matindi rin daw umano ang kumpetisyon ng dalawang beauty camps dahil nagpapabonggahan nga sila sa dami ng mga “winners” sa stable nila. Showbiz na showbiz ano po?

Pagpapatunay na uso talaga ang inggitan at trayduran kahit saan, di ba?

Read more...