Epal na female celebrity ang cheap-cheap ng image, di na binigyan ng kahihiyan si mister


SUPER-OA kung tawagin ngayon ng marami ang isang female personality na mahilig pumapel sa kung anu-anong isyu. At kung sino ang sikat na personalidad ay maaasahang nandu’n din siya at umeepal.

Sobrang fanchita kuno ang babaeng personalidad na ito dahil napakahilig niyang magparetrato sa tabi ng mga artista. Maiiwanan niya ang lahat ng kanyang mga kagamitan sa kanyang housing authority pero hinding-hindi ang kanyang cellphone at camera.

Kuwento ng isang source, “Bakit nga ba ganu’n ang babaeng ‘yun? Nu’ng kasikatan ng isang loveteam, e, dumating siya sa shooting, marami siyang kasamang kaibigan.

“Siya na ang nagbigay ng title sa sarili niya, siya raw ang ninang ng loveteam. Self-proclaimed ang lokah! Wala namang masama sa paghanga, natural lang naman ‘yun, pero OA ang isang ito!” inis na kuwento ng aming impormante.

Matagal nang maraming hindi nagkakagusto sa female personality dahil isa siyang international fan kung tawagin. Kung sino ang kaharap niya ay paborito niya, lahat na lang ng artista ay iniidolo niya, ganu’n ang kanyang drama.

“Nakakaloka siya, sa totoo lang, pero bakit kaya siya pinababayaan ng mister niya na ganyan ang maging dating niya? Sana, pagbawalan siya ng husband niya, nagmumukha na kasing cheap ang wife niya!

“Pinagtatawanan na nga siya, palagi siyang pinagpipistahan sa mga umpukan dahil sa pagiging fanchita niya! Kung iipunin siguro niyang lahat ang mga pictures niya na may kasamang artista, e, baka isang truck na ‘yun!

“Huwag lang sana siyang OA dahil bitbit niya ang name ng husband niya sa mga pinaggagagawa niya, seryoso pa naman ang trabaho ng mister niya, nakakahiya!

“Matalino naman siya, pero bakit ganu’n siya kababaw? Bakit siya OA? Ang babaw-babaw niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling hulaan kung sino ang pinagpipistahang OA na female personality na ito, napakadali lang.

Read more...