Rachel Peters handa nang iuwi ang Miss Universe crown

RACHEL PETERS

ALL-OUT siyempre ang suporta ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte sa kanyang girlfriend na si Rachel Peters na rarampa na bukas para sa 2017 Miss Universe pageant sa Las Vegas.

Naniniwala ang politiko na handang-handa na ang dalaga na maiuwi ang titulo at korona, “Every time nakikita ko siya, I fall in love all over again,” aniya sa panayam ng ABS-CBN. Dugtong niya, “Pero sa totoo, napakaganda ng timing ni Rachel, ng kanyang pag-peak.

“Kailangan kasi you also have to time when you’re going to shine the most and nakikita ko naman na habang palapit nang palapit iyong pageant eh, paganda siya nang paganda,” aniya pa.

Kamakailan ay sumunod na sa Las Vegas si Migz, pero bago ito pumunta ng US, inamin niyang, “Sobrang na-miss ko siya. Ever since umalis siya, parang naging long distance relationship kami.

“Pero okay naman kasi alam ko talaga iyong sacrifice that comes with it. Si Rachel naman talaga, ako mismo ang makakapagsabi, binuhos niya talaga lahat pagdating sa training at sa preparations,” pagtatapos ni Migz.

Read more...