Sue Ramirez ayaw maging beauty queen: Pero bilib ako kay Pia!

MAY beauty queen aura raw ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez. Ito’y base na rin sa mga nagkokomento sa kanyang mga litrato na naglalabasan sa social media.

Nang matanong ang dalaga kung may plano ba siyang sumali sa mga beauty pageant, “Wala, hindi ko makita ang sarili ko. Sa harap lang siguro ng salamin awra-awra lang ako pero pag andon na, ayaw ko ng pressure. Nakaka-pressure ‘yung sobra dala mo ang buong bansa.”

“Pero maraming salamat po sa mga nakakakita, hindi ako masyadong pretty baka nag-i-expect kayo pero thank you!” natatawang pahayag pa ni Sue na isa sa mga members ng cast ng bagong afternoon series ng ABS-CBN na Hanggang Saan.

Pero sabi ni ni Sue, isa sa mga beauty queen na ina-admire niya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, “Si Pia tatlong beses sumali ng Bb. Pilipinas on the third time du’n lang siya nanalo.

“Nu’ng sinabihan siya ng mga tao na trying hard siya, sabi niya, ‘Oo trying hard ako talaga kasi gusto ko, so parang maganda ‘yung mindset na ganoon na huwag mo nang pansinin ang sasabihin ng tao.’

“Ito ‘yung gusto ko, gagawin ko ‘yung gusto ko at naabot niya ‘yung pangarap niya. Naabot niya kung ano man ‘yung kailangan niya i-achieve and I think with life ganoon din dapat talaga,” aniya pa sa isang panayam.

Read more...