Iñigo namana ang abs ng ama: Salamat sa genes ni Papa P!

INATAKE rin pala ng matinding kaba si Iñigo Pascual nang rumampa siya sa nakaraang “Under The Stars” fashion show kung saan niya ipinakita ang kanyang hunky body.

“To be honest I was so nervous, yung bago ako pumasok, I really had to get in the zone,” kuwento ng binatang anak ni Piolo Pascual.

Buti raw namana niya ang genes ng kanyang tatay, “Actually I don’t have anytime to prepare for the gym, pero salamat sa genes ni Papa P! Ha-hahaha! Nandito naman siya (abs) kahit kumain ako ng marami!” saad pa ni Iñigo sa isang panayam.

Ayon naman kay Piolo, naging madali lang sa kanya na payagan si Inigo sa pagrampa sa nasabing fashion event dahil lalaki naman ang kanyang anak at may ipakikita naman daw.

Read more...