Luis feeling Justin Bieber, nakipagkulitan kay Maine

FEELING Justin Bieber si Luis Manzano nang mag-reply sa tweet ni Maine Mendoza. Certified fan ni Bieber si Meng at isa siya sa kinilig nang mag-viral ang fotos ng Canadian singer sa dating girlfriend na si Selena Gomez.

Sa isang tweet ni Meng, nakasaad doon ang pakikinig niya ng kanta sa isang album ni Justin, “Hayyy…kilig throwback feels!” habang kasama ang cover ng album ni Bieber.

Nag-comment naman si Luis ng, “Thanks for the support ha,” kasama ang kaparehong album cover na nasa Twitter ni Maine.

Anyway, abangers na naman ang fans ng Phenomenal Star pati na ang AlDub Nation sa ibinalita ng manager niyang si Rams David na lalabas si Meng sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Wala pang detalye tungkol dito but for sure, Pamaskong handog ito ng nasabing weekly fantasy program ng GMA.

Read more...