Jake Zyrus sa laiterang basher: Pinoy ka, wag ka sanang bitter!

JAKE ZYRUS

NIRESBAKAN ni Jake Zyrus ang isang basher na nanlait sa kanya bilang isang singer-performer.

Ito’y matapos mag-post ang proud transman ng litrato sa kanyang Twitter account ng kanyang sariling star sa Walk of Fame kamakailan.

Sa comment section ng tweet ni Jake, nagkomento si AnaSanc85204105 ng, “Who’s Jake Zyrus? Nobody here in Canada knows that person.”

Bukod dito, nag-comment din ang nasabing netizen sa isang YouTube video ng concert ni Jake sa Toronto, Canada noong 2014. Flop daw ang nasabing show at chaka rin daw ang performance ng singer.

Ito naman ang sagot ni Jake sa netizen, “Lowkey hating, ma’am. Di mo na lang derechuhin ang gusto mong ipahiwatig hindi yung eenglishin mo pa ako. Wether you know the person or not, di mo dapat minamaliit. Pinoy ka. Suportahan mo. Wag bitter. God bless.”

Read more...