Give us peace, please

SINO nga ba ang ayaw ng kapayapaan sa Mindanao? Sino ba ang hindi naiinip na makamtan na ito nang tuluyan? Sino ba ang ayaw ng kapayapaan?
May petsa na namang sinabi ang pamahalaan kung kelan posibleng lagdaan ang isang pormal na Kasunduang Pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Pero yan ay matapos na magsalita na sa media ang panig ng MILF.
Sabi ni Ghadzali Jaafar, late na ng anim na buwan ang dapat sana’y unang target na lagdaan ng kasunduang ito. Ngayon ang ibinabanderang time frame ng lagdaan ay “within 5 weeks”. Ang problema lamang sa puwede ay ang kabaliktaran nito, na puwedeng wala ring lagdaang mangyayari.

More than 40 years of internal conflict in Southern Philippines is too long for anyone to wait for a peaceful resolution. Anyone could understand the agony of waiting some more time especially if you are witnesses and stakeholders in that internal conflict.
But there is also such a thing as agony brought about by the rush to accomplish what is perceived and taunted to be the best peace document to be signed.
Ang taas ng hype, ang taas ng promo, ganda ng branding at marketing ng ideya ng pagkakamit na ng kapayapaan, sa wakas, ngunit ang totoo, sa wakas, nalalantad na marami pa talagang dapat pag-usapan sa kasunduang ito na lalagdaan ng dalawang panig.
Ang unang nilagdaan ay isang Framework Agreement lamang. Batayan ng babalangkasing pinal na kasunduan, yung pormal na kasunduang magiging saligan naman ng mga proyekto at mga pagkilos na gagamitin o ilalapat para sa pagkakaroon ng pinakaaasam na kapayapaan.
Framework Agreement pa lamang ang nilagdaan ay animo’y nakamit na ang kapayapaan.
Ngunit sa ganang akin, bilang isa sa mga mamamahayag na nakita ng malapitan at naranasan ang iba’t ibang mukha ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Kamindanawan, ay isa sa tapatang magsasabing, nais ko ring makita ang ganap na katuparan ng pinakamimithing kapayapaang yaon.
Sa lalong madaling panahon. Now na!
Gayunman, bilang mamamahayag na malaki rin ang iginugol sa pangangalap ng mga kuwento at balita sa Mindanao, batid ko ang isang katotohanan na bago pa ang kasunduang ito na hindi pa pormal na nalalagdaan, may isa nang naunang kasunduan na ang batayan ng pakikipagkasundo at pag-uusap ay ang mamamayan din ng Mindanao na kung tawagin ay Bangsamoro.
Hindi nga lamang MILF ang bihis kundi, Moro National Liberation Front o MNLF, ang organisasyong kanilang pinagmulan at dating kinabibilangan.
Napakataas din ng pag-asa ng pagkakamit ng kapayapaan nang lagdaan ito noong 1996.
Alam na natin ang kuwento ng mga sumunod na taon pagkatapos ng lagdaang yaon, kasama na ang kuwento na hindi ito naging matagumpay.
Ang kapayapaan ay wala sa kasunduan kundi nasa katapatan ng dalawang panig na tuparin kung anuman ang kanilang napagkasunduan.
Maraming leksiyon ang dapat na matutunan sa 1996 Peace Agreement.
Bago tuluyang lagdaan ang isa na namang pormal na kasunduan, balikan muna sana ang kuwento ng kasunduang nauna at bisitahin, suriin kung ano na ang nangyari dito. Hindi ito puwedeng tingnan ng hiwalay, nang hindi magkaugnay, lalo pa’t iisang mithiin at adhikain din ang nais na makamtan.
 >>>
Si Arlyn de la Cruz ay araw-araw na mapaki-kinggan sa Radyo Inqui-rer DZIQ 990AM sa programang Banner Story kasama ang kolumnista ring si Jake Maderazo.  Para sa komento, reaks-yon, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.

Read more...