ISANG makulay na selebrasyon ang magaganap ngayong Disyembre, as Quezon City hosts the most anticipated Pride March of the year.
May temang “Pride in QC: Safe And Free”, ang taunang LGBT event na ito ay magaganap sa Dec. 9, sa kahabaan ng Tomas Morato, Quezon City which will feature the pride and diversity of Pinoy Lesbians, Gays, Bisexulas and Transgender community.
Makisaya at makipiyesta sa mga engrandeng event na naka-line up this year, tulad ng fashion show, LGBT organization parade at ang recognition ng mga achievements ng QC Pride Council para sa kumunidad.
Pinangungunahan ng Quezon City Pride Council, ang 2017 QC LGBT Pride March ay isang testamento ng commitment ng siyudad sa pagtatanggol sa karapatan ng lahat ng Pilipino maging sa mga lesbians, gays, bisexuals at transgender.
Sa isang press conference na ginanap kamakailan sa Pork @ Your Own Risk resto sa Dr. Lazcano, Q.C., hosted by Mayor Herbert Bautista, siniguro ng city government na lagi silang nakahanda para protektahan ang karapatan ng lahat ng kanilang mamamayan lalo na ang mga kabilang sa LGBT community.
Si District 1 Councilor Mayen Juico ang humarap sa entertainment press para ibalita ang mga magaganap sa darating na QC Pride March. She said, QCPC was constituted to oversee the integration of all city programs and projects for the LGBT community.
Created by Mayor Herbert thru an office order, was formally launched March 25, 2013 to highlight the city government’s continuing support for the implementation and enforcement of gender-based policies, programs and activities.
Sabi nga ni Mayor Bistek, ang mission ng QCPC ay, “To mobilize LGBT communities, groups, clans, organizations and associations within Quezon City to stage LGBT related events. Encourage LGBT friendly business and investors to invest in Quezon City to the Pink Peso market concept.
“And raise resources for formation of the Quezon City LGBT Center under the QCPC Foundation.”
Inaanyayahan naman lahat ng gustong sumali sa Pride Parade na mag-register online sa https://bit.ly/2jb2Guh. Open ito hindi lamang sa LGBT kundi maging sa Straight Allies organizations. For more details, bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/qcp ridemarch or mag message sa @qcpridemarch.
Samantala, umaasa naman ang LGBT community na makikiisa sa nasabing event na boluntaryo ring dadalo ang mga kilalang gay and lesbian celebrities para sumuporta. Ilan sa mga kilalang proud LGBT supporter ay sina Boy Abunda, Vice Ganda, Aiza Seguerra, Jake Zyrus at marami pang iba.