Mocha masusukat ang talino kung itutuloy ang pagtakbong senador

MOCHA USON

BARELY 18 months away from the mid-term national elections ay buo na—or almost filled up—ang 12-man senatorial slate ng PDP Laban.

Ito ang ipinahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez kung saan kabilang sa pambato ng partido ay si PCOO Asec Mocha Uson.

Our thoughts.

Bawat kuwalipikadong Pilipino ay may karapatang tumakbo sa anumang public office. Mocha—for satisfying all the requirements of a senatorial seat—enjoys that right.

Taumbayan o ang electorate naman ang huhusga kung karapat-dapat bang bilugan opposite her name ang oval sa balota. It’s the voice of the people which will prevail sa araw ng halalan.

Susukatin si Mocha sa kanyang mga accomplishments—or lack of it—sa ipinagkatiwalang puwesto sa kanya. Pero sa mga nakaraang panahon, mukhang hindi nagtala si Mocha ng mga kapuri-puring gawain to make her worthy of public trust and admiration.

Mas nagmamarka kasi ang pagiging purveyor ng fake news ng katuwang ni Sec. Martin Andanar. Eh, kung sakaling palarin si Mocha sa Senado ay ano naman kaya ang palalaganapin niya, “fake bills” (not to be mistaken for counterfeit money, huh!)?

Hindi namin maimadyin ang isang tulad ni Mocha na nasa isang institusyon where intelligent discourse may be compared to a debate on national TV. Writing-wise nga lang ay sumasablay siya, paano pa kaya in verbal communication where much is expected of her dahil nasa puwesto siya ng pagpapalaganap ng impormasyon?

Campaign-wise ay walang dudang panalo si Mocha sa bawat gabing sumasampa siya sa entablado mounted even in the remotest part of the country. Pero senador ang sinusungkit niyang puwesto, hindi parang dancer sa isang high-end club.

Pag-akda ng bill ang inaasahan sa kanya, hindi bill o chit na dapat bayaran ng bar patron.

Read more...