P100M jackpot ng Ultra Lotto

 Inaasahang aabot sa P100 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
    Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P96.8 milyong jackpot prize sa bola noong Martes ng gabi.
    Walang tumama sa winning number combination na 22-58-54-51-10-27.
    Nanalo naman ng tig-P202,650 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P2,390 naman ang 271 mananaya na naka-apat na numero.
    Balik naman ang P20 taya ng 7,528 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...