MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako po ay nagtrabaho sa isang publication company, may three months na po ang nakalilipas. Hindi po ako sumuweldo ng isang buwan sa company na dati kung pagtrabahuha.
Puwede ko po bang habulin pa ang sweldo ko. Ano po ang dapat kung gawin?
Camille de Guzman
A-77 Kapitbahayan, Navotas
REPLY: Magandang araw po.
Wala pong kaduda dudang makukuha n’yo ang inyong sweldo.
Subalit hindi n’yo po nabanggit kong ano po ang naging dahilan ng inyong pag-alis sa kompanyang inyong pinangalingan.
Meron po tayong prescription na after thre years lahat po ng klaseng backpay ay hindi na po pwedeng makuha.
Sa sitwasyon n’yo na three months ay malaking posibilidad na ang makukuha ninyo ang inyong money claims kong kayo ay nakasunod sa tamang patuntunan gaya ng:
1. Kayo ba ay nakapag-serve ng one month simula ng kayo ay inalis or kong kayo ay tinanggal?
2. Kong kayo po ay nakapag-turn over properly ng inyong accountability and liabilities kong meron man?
Mahalaga po ang mga kondisyon na nabanggit sapagkat kung kayo ay nakapag-comply na ng inyong clearance at patuloy pa rin ang hindi pagbibigay ng inyong employer ng inyong money claims, maari na kayong magsadya sa aming tangapan na may jurisdiction sa inyong pinangalingan pinapasukan.
Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.