Angeline kay Erik: Ang tigas talaga ng ulo mo, sarili mo lang sinusunod mo!!!

ANGELINE QUINTO AT ERIK SANTOS

SA mga hindi pa nakakapanood ng I Can See Your Voice, try ninyong silipin ang programa at tiyak na aabangan n’yo na rin ito tuwing Sabado at Linggo.

Bukod sa sobrang nakakaaliw at nakakatawa ang Sing-vestigators sa kani-kanilang sariling opinyon tungkol sa contestants ay ginugulo rin nila ang isipan ng guest singer na huhula kung sino ang lehitimong See-nger.

Hindi lang ‘yan, nakakapulot din kami ng balita mula sa kanila. Tulad nitong Linggo kung saan si Erik Santos ang guest singer na huhula, alam naman ng publiko na nanligaw siya noon kay Angeline Quinto kaya naman sa buong show ay walang ginawa ang dalawa kundi magpalitan ng kuru-kuro na ikinakabit naman sa personal nilang buhay ng sing-vestigators.

Napansin ni Wacky Kiray na kakaiba ang itsura ni Angeline nu’ng si Erik ang guest dahil ang ganda ng make-up nito at may ribbon pang malaki bagay na napansin din ni Erik.

Panay naman ang tawa ni Angge na tinatakpan ang bibig ng kanang kamay kung saan nakasuot ang mamahaling relo, sabay sabi ni Erik ng, “Ipinapakita lang niya ‘yung magandang relo niya, bigay ko kasi.”

Bukod dito ay sinabihan din ni Angeline ang binatang singer ng, “Erik, kung gusto mong manalo, makinig ka sa akin.” Sagot naman ng binata, “Parati naman akong nakikinig sa ‘yo, ikaw lang naman ang hindi nakikinig sa akin.” Kaya tawanan ang lahat ng nasa studio.

At dahil nakinig nga si Erik kay Angeline sa unang round ay mali ang tinanggal nitong sa akala’y seen-tunado, singer pala.

Simula no’n ay hindi na nakinig si Erik sa singer-actress at sariling desisyon na nito ang sinunod kaya sinabihan siya ng dalaga ng, “Ang tigas talaga ng ulo mo, sarili mo lang sinusunod mo.”

Ang nakakatawa pa nu’ng last 25 seconds na hihingi ng payo si Erik sa sing-vestigators ay silang dalawa lang ni Angeline ang nag-usap na akala mo ay magpo-propose na ang binata, pero nagbubulungan lang pala pero naririnig naman kasi nakabukas ang kanilang lapel mic.

Anyway, napatunayang hindi ganu’n kagaling manghula si Erik ng totoong see-nger dahil hindi niya nakuha ang Eye-award.

May mga nag-suggest naman na bakit hindi bigyan ng serye o pelikula ang tandem nina Erik at Angeline dahil bukod sa napakanatural daw ng mga ito sa kanilang mga punchline ay may kilig din sila on screen.

Read more...