Tubo sumabit sa live wire; obrero nakuryente, patay

Namatay sa pagkakuryente ang trabahador ng isang tubuhan sa Kabankalan City, Negros Occidental, Lunes ng hapon, matapos na aksidenteng sumabit ang hawak niyang tubo sa live wire, ayon sa pulisya.
Isinugod pa sa ospital si Rommy Suetas, 27, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.
Naganap ang aksidente dakong alas-3 ng hapon, sa Purok Mahogany, Brgy. Oringao.
Kinakamada noon ni Suetas ang mga inaning tubo sa isang trak.
Nakakuha si Suetas ng mahabang tubo at nang iangat ay aksidenteng itong sumabit sa main line ng Negros Occidental Electric Cooperative, kaya siya nakuryente, ayon sa pulisya.
Dinala si Suetas ng kanyang kapatid sa Dr. Gumersindo Memorial Hospital, ngunit di na siya umabot nang buhay.

Read more...