Richard tinanggal ang hiya ni Maine habang rumarampa; puring-puri ng mga AlDub fans


HINDI pa rin makapaniwala si Maine Mendoza na naitawid niya ang pagrampa sa harap ng maraming tao nu’ng Sabado para sa fashion show ng isang local clothing brand.

Reynang-reyna kasi ang treatment sa kanya habang siya naman ay nandoon pa rin ang pagiging mahiyain.

Feeling nga ni Meng, ang laki ng tiyan niya nu’ng gabing ‘yon. Midriff kasi ang blouse niyang suot kaya labas ang kanyang tiyan.

Pero habang nasa stage, marami ang pumuri kay Richard Gutierrez na kasamang rumampa ng Phenomenal Star. Inalalayan niya si Meng at hinila papunta sa harap ng stage para mawala ang hiya.

Kaya naman ang partner ni Chard na si Sarah Lahbati, umaapaw ang pagmamalaki sa mga magagandang komento mula sa netizens dahil sa ginawa ng aktor na tunay namang napaka-gentleman.

Read more...