Mga miyembro ng Clique 5 dedma muna sa lovelife

NAPANOOD namin ang medyo sizzling performance ng bagong boy group na Clique 5 sa Circle Events Place sa Timog Avenue last Saturday at malaki ang promise ng mga bagets na grabe kung ipagmalaki sa amin ng isa sa kanilang publicists na si Dominic Rea.

Limang gwapong boys (Marco, Karl, Sean, Clay and Josh) kung saan ang isa sa kanila ay parang younger brother ni Carlo Aquino (Sean) who caught my attention. They are being managed by 3:16 Events and Talent Management Company.

Sumalang na rin sa acting workshop under PETA ang grupo with regular voice lessons on the side dahil in fairness, the all carry good tunes naman. Konting hasa lang puwede nang pakawalan sa concert stage.

“We made sure na ready na sila sa laban kapag pinakawalan na namin ang Clique 5. Gusto namin prepared sila at ready talaga sa mundong papasukin nila,” katwiran nina Kathy and Len who are both behind this management company.

Nakakatuwa ang limang bagets when asked kung may lovelife na sila – iisa ang sagot nilang lahat – WALA. Kasi raw focused muna sila sa kanilang career. Mahirap daw kasing pagsabayin which some of us disagree. Ha! Ha! Ha! But you know, that’s how respectful we are.

Kasabay ni-launch nu’ng Sabado, Nov. 18, ang kauna-unahang digital Christmas song nila entitled “Tuwing Pasko” na nilikha ng award-winning songwriter na si Joven Tan and right after their media launch ay tumakbo na sila agad sa meet and greet with their fans and supporters.

Apat sa members ng Clique 5 (Josh, Karl, Sean and Marco) ay produkto ng artista search na Circle of 10 kung saan din nagsimula sina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Dion Ignacio, among others while Chay naman hails from Canada.

“We hope na mabigyan din sila ng space sa ating industriya, puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited and kanilang talento,” pagmamalaki pa ng taga-3:16 Events and Management.

Well, we will see in the next days kung paano pakikiligin ng mga bagets na ito ang sandamakmak na millennials na siyang market ng grupo Good luck boys!

Read more...