P96M jackpot sa Ultra Lotto bukas

 Inaasahang aabot sa P96 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 bukas.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa winning number combination na 14-51-49-27-24-22 sa bola noong Linggo ng gabi.
      Umabot sa P18.1 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola at umabot ang jackpot prize sa P93.6 milyon.
    Nanalo naman ng tig-P181,990 ang limang mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,900 naman ang 382 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 9,469 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...